Ang artikulo ni Joey Ayala sa Siningbayan Field Book ay
tumatalakay sa pag-iisip ng isang tao. Sinabi niya na mahalaga ang pagsasaloob
ng tao sa kaniyang realidad upang ito ay kaniyang mapagsalinawan at maisaganap
ang naayong aksiyon dito.
Mahalaga matutuhan ang mga bagay na ito. Ang mga
talakaying ganito ang dapat ginagawang paksa sa mga kuro kuro. Ang pag-iisip ng
isang tao ang pinakamahalagang bagay sa kaniya, hindi ang kahit ano pa mang materyal
na bagay. Ang pag-iisip ang siyang nagpoproseso ng damdamin. Ito din ang
nag-uutos sa isang tao na kumilos.
Gusto ko itong linyang binanggit ni Joey Ayala, “Many
people can also talk on and on without really saying anything.” Napaka-makatotohanan
sapagkat ang mundo natin ngayon ay punong-puno na ng mga artipisyal na bagay.
Lahat ay ‘instant’, pati pag-ibig ‘instant’. Madami sa atin ang salita ng
salita ngunit wala namang damdam na pina-iibig.
Ilan ba satin ang nag-iisip sa gabi bago matulog? Alam
kong madami ang gumagawa nito. Sa bawat gabing ito, ano ang mga naiisip mo?
Damdamin mo lang ba ang naiisip mo o pati damdamin ng iba? Umiikot ba ang mundo
mo sa problema? Kung ganun, napagsasalinawan mo ba ito ng maigi upang
makapagsagawa ka ng tamang hakbang?
Napakaraming katanungan pero ito ay mahahalaga.
Importanteng may indibidwal tayong pag-iisip na sumesentro sa ating buhay at
hindi sa buhay lamang ng karamihan. Mabuti ang may sarili kang opinyon dahil
mahirap kung ikaw ay laging makiki-ayon sa iba.