Sunday, October 13, 2013

UPOU Student bilang isang Civic Republican

Ang ‘civic republican’ ay sumasagisag sa ideya ng pakikilahok sa lipunan at pagpapahalaga sa karapatan at responsibilidad bilang isang mamamayan. Bilang isang estudyante ng UPOU, may mga paraan ako para makilahok sa panindigan nating mga mamamayan lalo na sa pagsugpo ng kabuktunan na mga nagaganap sa ating lipunan. Ako ay isang estudyanteng PWD (Person With Disability) at nagiging hadlang ito para sa akin na makadalo nang personal sa mga ‘rally’ o ano pa mang klaseng makabuluhang pagtitipon. Ngunit hindi ito balakid para sa akin na maipahayag ko ang aking damdaming bayan. Sa panahong ito, napakadali na ang magpahayag ng damdamin at opinyon. Ito ay sa pamamagitan ng radio, diyaryo, blogs at sa mga social networking sites. Sa pamamagitan nito, may malaking pagkakataon na ako, lalong-lalo na sa isang PWD na mag-aaral gaya ko, na sanayin ang pagpapahayag at pakikilahok tungo sa alituntunin ng isang ‘civic replubican.’ Sa pagbabasa ng dyaryo, pakikinig ng balita at pakikipag-palitan ng opinyon sa iyong kaibigan at kamag-aral ay naisasagawa na natin ang pakikilahok sa lipunan.

Bilang kasalukuyang mag-aaral sa UPOU, ang hangarin ko ay maging isang manunulat (writer) dahil alam ko na kung ang isang opinyon ay nadidinig at pinahahalagahan, malayo ang nararating nito. Ang interaksyon ng bawat mamamayan at pagkukuro-kuro nila ay nagiging isang matibay na basehan ng kamalayan tungo sa pagbabago sa ating lipunan. Sa kamalayang ito nakasalalay ang direksyon na tatahakin ng ating bayan tungo sa pagbabago.

Kung tayo sanang mag-aaral ng UPOU ay magiging aktibo sa kasalukuyang mga nagaganap sa ating bansa at tayo ay sasali sa pagpapahayag ng ating mga damdamin ukol dito, masasabi ko na tayo ay natutungo sa isang matagumpay at responsableng ‘civic replubican.

No comments:

Post a Comment